![]()
Ang Pag-aalsa ng Nayon ng Lilo-an, Panay (1897)
ni Kenneth Y. Ilio
This was a term paper submitted to Philippine History 101 under Prof. Isagani Medina back in 1973 when I was first year college at UP. The original was in English. I am thankful to Ritchie Valencia (now Buenaventura who was my classmate in high school and is now residing in Sydney, Australia) in helping me translate the term paper into Pilipino. This was published in the General Education Journal University of the Philippines, 1975 edited by Dr. Zeus Salazar.
Mga Watawat ng Pilipinas at Ang Monumento ni Candido Iban sa Likod Tulad ng maraming mga bayan at lunsod ng Pilipinas na nagpahiwatig ng kanilang pagkamakabayan sa pamamagitan ng pagtutul at pagsalungat sa kolonyal na pamahalaan ng Kastila, ang maliit na nayon ng Lilo-an sa Malinaw, Aklan, ay nagtamo rin ng kanyang sariling sandali ng liwanag nang ito ay nag-alsa laban sa mga maykapangyarihan ng byan. Ang pag-aalsa o levantamiento ay naganap noong Marso 16, 1897. Ang martsang patungo sa bayan at ang pagsakop sa tribunal o gusaling-bayan ay kaalinsabay ng pangkalahatang pag-aalsang inilunsad ng samahan ng Katipunan sa lalawigan ng Aklan. Bagama't ang pinuno at tagapagtatag ng Katipunan sa byaan ng Malinaw ay si Candido Iban (1), ang namuno sa mg aKatipunero sa martsa patungong gusaling-bayan ay si Nemesio Yonsal, ang hnirang na pangalwanag pinuno ng Katipunan sa bayang iyon. Si Moni (2) Yonsal ay napatay sa sagupaan sa tribunal.
Ang pagsakop ng gusaling-bayan ay di man umabot ng isang araw, subali't ito ay isang tagumpay para sa isang sambayanang nagnanais ng kalayaan. Ang pangyayari ay isnag nagniningning na handog sa kilusang mapanghimagsik ng mga Pilipino noong 1896. Upang gunitanin ang makasaysayang pangyayyaring into, isang paradang pambayan na kadalasa'y nagtatapos sa paanon ng bantayog ng "Levantamiento de Lilo-an" (na nakatayo sa isang panig ng plaza ng poblasyong Malinao) ang ginaganap tuwing taunang kapistahan ng byan, na kung saan may mga binibigkas na mga talumpating gumuguinita sa pag-aalsa sa Aklan at pumupuri sa kabayanihan nina Candido Iban, Moni Yonsal at kanilang mga kasama.
Ang Pagbubuo ng Katipunan sa Aklan
Ang mga pinuno ng kilusang Katipunan sa lalawigan ng Aklan ay sina Francisco Castillo at Candido Iban. Ang dalawang ito ay magkaibigang matalik at nakapaglakbay na't nakapagtrabaho sa Awstralya. Si Candido Iban (3) ay isnag tubo ng Lilo-an, Malnaw, Aklan at isinilang noong Oktubre 3, 1863, bilang ikaapat na supling nina Florentino Iban at Maria Irruegas. Siya ay nag-aaral sa paaralang parokya noong bata pa. Sapagka't siya ay lumaking isang matipuno at mapagsapalarang lalaki, hindi siya saiyahan sa pagsasaka bilang pamaraan ng kabuhay kaya't tumungo siya sa Iloilo, ang maunlad na siyudad ng Panay, upang magtrabaho, hanggang mapadako siya sa mga asyenda ng tubo sa Negros. Marahil ay sa Negros sila nagkakilala't naging matalik na magkaibigan ni Castillo, na isang taga-Sebu. (4)
Magkasama silang naglayag patungong Maynila, at malaon ay sa Awstralya, na kung saan sila ay nagtrabaho sa loob ng ilang taon. Matapos manalo sa isang loteriya sa Awstralya, ang magkaibigan ay nagbalik sa Pilipinas noong 1894. Sa bapor na kinasasakyan nila pauwing Maynila, nakilala sila ni Procopio Bonifacio, ang kapatid ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan. Kasunod ng pagkakakilanlang iyon, sina Iban at Castillo ay sumapi kapagdaka sa lihim na samahan at dahil sa sila ay lubhang nahitik sa mga simulain ng kilusan, pinayagan silang makilahok sa mga naghandong ng salaping pambili ng paglimbagang (5) naglabas ng Kalayaan, ang pahagan ng Katipunan, at ng Kartilya ng Katipuanan. Di lumaon at si Catillo ay nahirang sa mga matataas na tungkulin ng samahan. Siya at si Iban ay kasama rin ni Bonifacio na gumalugad sa mga yungib ng San Mateo noong Mahal na Araw ng 1895 (6) at doon ay nagtalakayan ukol sa mga balak para sa himagsikan.
Si Candido Iban sa Kanyang Tugatog Alinsunod sa utos (7) ng Supremo, sina Castillo at Iban ay nagtungo sa Aklan upang itatag nang lihim ang Katipunan. Para dito, sila ay bumili ng isang balandra o bangkang pangisda na nagngangalang Santisima Trinidad na kanilang sinakyan patungong Aklan. Sila ay nagbalatkayong mga maninisd ng perlas (8), at naglayag sa mga pulu-pulo mula Luson hanang nakaabot ng Panay nang lhim sa gabi (9) upang maiwasan ang mga patrulynang pandagat ng mga Kastila. Narating ng Santisima Trinidad ang Tinagong Dagat (10) sa Look ng Batang ilang sandali makaraan ang Araw ng Pasko, 1896.
Ang pagtatag ng mg ayunit ng Katipunan at pangangalap ng mga kasapi ay mabilis at nasa takdang panahon - karamian ay sa mga kanayunan ng maraming mga bayan ng Aklan. Sina Castillo at Iban ay tinulungan sa kampanya at pagtuturo ng mga doktrina ng Katipuanan nina Albino Rabaria, Cornelio Delfin, Isidoro Jimenez, Canuto Segovia, Gabino Sucgang, Teodorico Motus, Isidro Madayag at Pedro Pamatian. Ang punong himpilan ni Castillo ay nasa baybaying pbaryo ng Mabilo sa Kalibo haang ang bahay Katipunan (11) ni Iban ay sa Lilo-an, ang kanyang sariling baryo. Ginamit nila ang bangkang Santisima Trinidad, sa pangingisda tuwing araw, at sa pagtungon naman sa mga baybaying bayan upang mangalap ng mga kasapi tuwing gabi.
Sa Lilo-an hinirang ni Candido Iban si Nemesio Yonsal, isang dating konstableng pambayan (alguacil) (12), bilang kanyang kanang kamay. Ang mga unang pulong na pawang pang-organisasyon ay dinaos sa tahanan ni Moni Yonsal. Ang ilan sa mga pangunahing mamamayan ng Lilo-an na sumapi (13) sa lihim na samahan ay sina Huwes Felipe Ipanto, Francisco Ilin, Anselmo Ibutnandi, Silverio Yatar, Gabino Yonsal (kapatid ni Nemesio), Benito Iban (kapatid ni Candido) at Cayetano Iban (pinsan ni Candido). Walang sinumang babae ang nagsisapi. Maraming mga kasapi ang nakalap mula sa mga baryo sa bundok tulad ng San Roque, Tigpalas, San Dimas, at Osman.
Isang matapang na taga-bundok na nagngangalang Banderado (14) ang ginawang tagapag-ugnay ng mga himpilan nina Castillo at Iban. Kabilang sa pagtanggap ng bagong kasapi sa lihim na kapatiran ang sandugan at ang paglagda ng baong kabig sa pamamagitan ng dugo (15).
Sa mga nagdaang panahon kasunod ng pagdating nina Castillo at Iban sa Aklan, ang balak para sa isang malawakang himagsikan sa lalawigan ay ibinalangkas sa mga lihim na pagpupulong ng iba't ibang mga lider. Binalikat (16) ni Castillo ang katungkulan ng heneral habang si Iban ay kanyang hinirang na koronel at pangalawa sa kapangyarihan.
Ang Himagsikan sa Aklan, 1897
sa mga unang linggo ng Marso, 1897, ang mga manghihimagsik ay humandang sumalakay sa Kalibo upang hingin sa mga maykapangyarihan ang pagsuko ng pamahalaan Kastila sa mga Pilipino. Sa panahong iyon, ang bialng ng mga kasapi ay lagpas na isang libo (17). Noong Marso 16, sila ay nagtipun-tipon sa dalawang pulutong: isa sa Nalook, isang baryo ng Kalibo, at isa sa Lilo-an; sa kinabukasan, Marso 17, papasukin nila ang kabisera. Balak nilang ipitin ang Kalibo sa kanilang pagsalakay - isang pangkat, ang pangkat ni Castillo ay manggagaliing sa Timog, at ang pulutong naman ni Iban ay magmumula sa Kanluran.
Sa Malinaw, ang mga manghihimagsik (18) ay bumaba na mula sa kanayunan at noong mga bandang ikaisa ng hapon ng araw na iyon (Marso 16), sila ay nagtipun-tipon sa isang burol na tinatawag ng Ginsimbahanan sa may kanluran ng kabayanan ng Malinaw. Mula rito, sa pamumuno ni Moni Yonsal (si Candido Iban ay nasa Kalibo sa mga sandaling iyon), sila ay tumuloy sa gusaling-bayan upang iharap sa mga maykapangyarihan ang hangarin ng kanilang martsa, at humingi na rin ng pagtaguyod sa kanilang mapaglayang layunin. Sa munisipyo, sila ay sinalubong nina Kapitan Pati (Patricio Ibardolasa), ang gobernadorcillo ng bayan sa panahong iyon at iba pang mga ilustrado; kasama na rito si Tan Agusting Ilejay na ang bahay ay nasa tabi lamang ng gusali.
Ang Lapida ng Monumento Para Kay Candido Iban Iminungkahi nina Tan Agusting at Tan Pati na huwag nang ituloy ng mga manghihimagsik ang kanilang martsa patungong Kalibo (19). Kinausap nila nang matagal at mahinahon sina Moni upang maantala at mabinbin lamang ang pulutong. Nguni't sa katunayan hinihintay ng pulutong ni Moni ang pagdating ni Candido Iban mula sa punong himpilan sa Kalibo. Napagkaisahan nilang si Candido mismo ang mamumuno ng pangkat patungong Kalibo.
Sa bahay-pamahalaan, habang sina Moni ay naghihintay sa pagdating ni Iban at habang sila ay kinakausap ng mga kapitan, ang ibang mga Katipunjero ay naglibut-libot sa kapaligaran. Kinagabihan, sila ay nangagsipag-upo sa hagdanan ng gusali o nangagsipaghiga sa sahig, sa mga bangko at sa ilalim ng mg ahapg. Ang pag-uusap ng mga rebolusyunaryong kawal at mga reaksyonaryong kapitan ay naging mainit pagka't ang mga manghihimagsik ay di-mapakali sa katagaln ng kanilang paghihintay sa kanilang pinuno. Naging talipandas si Moni at siya ay hindi mahimok na tumigil May isang pangyayari na kung saang naging marubdob ang mga aksiyon ni Moni, at habang hinihila ni Tan Agusting ang kamay ni Moni upang mapahinahon ito, isang basga-ulo ang ibinunga. Dahil si Tan Agusting ay malakas at maliksi, binuhat niya si Moni at akmang itatapon ito sa labas ng bintana. Walang nagawa si Moni kundi sumigaw lamang: "Hay, ga-alin ka pa Bino?!" (Ano pa ang hinihintay mo Bino?! Si Bino ay kapatid ni Nemesio.) Kapagdaka, sumugod si Gabino Yonsal mula sa isang bangko at sinaksak (2) ang kapitan sa likod na siyang ikinamatay nito, subali't si Nemesio Yonsal ay naitapon na sa labas at nabawian din ng buhay.
Pagkatapos noon, nagkalabu-labo sa paligid ng gusali. Nagkaroon ng isang maikling sagupaan sa pagitan ng mga rebolusyonaryong kawal at ng mga konstable at taumbayan. Binato ng mga taga-poblasyon ang mga manghiimagsik na sumakop ng munisipyo. Ang paglalaban ay hindi na pampulitika kundi isang pagsasaalng-alang sa diguo, sapagka't si Tan Agusting ay may maraming kamag-anak sa poblasyon (21).
Pag-aalay Sa Bayani - Governador ng Aklan at Alkalde ng Malinao, Piyesta ng Malinao, ika-1 ng Mayo, 2002 Gayunman, sa hapon ng sumunod na araw, ang mga manghihimagsik ay nakipagpayapaan sa mga taumbayan. Ang tagumpay ng levantamiento ay nabuhay sa loob ng ilang sandali lamang.
Sa gabi ring yaon, si Candido Iban ay dinakip at ikinulong sa bayan ng Lezo ng mga kawal ni Kapitan Lucas de Manuel, ang capitan municipal ng naturang bayan. Si Iban ay patungong Malinaw upang sunduin at pamunuan ang kanayang mga kawal sa pagsalakay ng Kalibo nang siya ay tinambangan sa baryo Ibao ng Lezo. Tinangkang palayain ng mga taga-Lilo-an ang kanilang pinuno mula sa bilangguan, nguni't sila ay nabigo. Dahil sa mga kalagayang nindi nila ninanais - si Candido Iban sa bilangguan at si Moni sa libingan, ang mga manghihimagsik ay nawalan ng pag-asa at sa mababang moral, sila ay sumuko.
Gayun din, kinabukasan, ika-17 ng Marso, nang si Castillo at ang kanyang mga tauhan ay pumasok sa Kalibo upang humingi ng pakikipanayam kay Don Juan Azarraga, ang capitan municipal ng bayan, sila ay ipinagtabuyan. Sa sumunod na mahigpitang pagsasalakay ng bahay ni Azarraga na ginawang isang kampamento, si Castillo ay tinamaan ng punglo at siya ay namatay.
Marahil ay nakakuha ng kaalaman ang mga Kastila tungkol sa namimintong pag-aalsa dahil kinutaan nila nang mabuti ang bahay ni Azarraga at namalgi sila sa loob nito (22). Gayundin, sa madaling-araw ng Marso 17, isang Kastilang bangkang nanganganyon ang pumasok sa Look ng Batang at inilit ang Santisima Trinidad na pinagtataguan ng mga kasulatan ng Katipunan. Ang pagsasamsam sa bangka ng Katipunan ay nagpasiklab sa pagsalakay ni Castillo sa bayan ng Kalibo.
Gaya ng nakasulat sa lapida (23) ng bantayog ng "Labinsiyam na mg Martir ng Aklan," ang sumunod na mga pangyayari ay naganap. Nang malaman ni Castillo ang pagkumpiska ng kanilang bangka, siya ay nasa bayan ng Banga sa mga sandaling iyon, inutusan kaagad niya ang kanyang mga tauhan na mag-ipun-ipon sa baryo ng Tigayon ng Kalibo - tatlong kilometro sa Timog ng Kalibo papuntang Banga. Mula rito, tumungo sila sa Kalibo at pinasok ito nang mga ikasampu ng umaga. Ang Heral Francisco Castillo na nakasakay sa isang puting kabayo ang namuno sa mga Katipunero na binubo ng mga tatlumpung nangangabayo at ilang daang naglalakad. Dala-dala nila ang mangila-ngilang ripleng Mauser, mga sibat at mga itak.
Wala silang nasalubong na kaaway habang sila ay nagmamartsa sa mga pangunahing daan ng bayan, dahil sa alam na ng mga Kastila ang nagbabalang pagsasalakay at nanatili ang mga ito sa loob ng bahay ni Kapitan Juan Azarraga. Ang pangkat ng Katipuanan ay bumuo ng tuwiran sa harap ng bahay ng Kapitan na nakaharap sa liwasang-bayan ng Kalibo. At dahil ang Kapitan ay hindi sumagot sa isang mapayapang pag-uusap (24) nang iniharap ng nga manghihimagsik, hinamon sila ng mga ito na lumabas at lumaban. Ang sagot mula sa batong kampamento ay isan gpag-ulan ng mga punglo na ipinuntirya kay Heral Castillo. (Ikinukuwento (25) s aAklan na si Castillo ay hindi tinablan ng bala dahil mayroon silayng isang anting-anting. Ang mga punglong inasinta sa kanya ay di man lamang puminsala sa anumang bahagi ng kanyang katawan. Ayon sa kuwento, ang tudla na naggaling sa riple ni Moises Ilicito, isang guwardiya sibil na taga-Malinaw, ang kumitil sa buhay ni Castillo. Nugni't upang masalungat niya ang bisa ng anting-anting, sinasabi na kinulapol muna ni Ilicito ang nguso ng kanyang riple ng isang uri ng lutong kanin.)
Ang Heneral, kahit sugatan nang malubha, ay kmaskas pa rin patungo sa mga kaaway habang sumisigaw ng "Otro tiro mas, amigos, Aumenta mas!" ("Isa pang tudla mga kaibigan! Dagdagan pa ninyo!" (26) At sa huling pang-uyam na sigaw na iyon, siya ay nahulog mula sa kanyang kabayo. Pagka't ang Heneral Francisco Castillo ay nasawi na, ang kanyang mga tauhan ay umurong pagkaraan, dala ang kanilang mga patay at mga sugatan.
Ang Monumento Para sa XIX Martires ng Katipunan sa Aklan, Kalibo, Aklan Pagkuwa'y nagawa pa ng mga manghihimagsik ang magpanibagong-tatag. Nguni't noong ika-19 ng Marso, 1897, si Koronel Ricardo Monet, ang komandante ng kawal Kastila sa Bisayas, ay dumaong sa Dumaguit (isang nayon ng Batang sa may pasukan ng Look ng Batang), dala ang isang malakas n pulutong ng mga marino at guwardiya sibil.
Nang dumating ang mga Kastilang kawal sa Kalibo, sila ay nagtikang lupigin ang pag-aalsa. Si Monet ay hinikayat ng mga opisyal ng bayan na gumamit ng mahinahong pamamaraan lamang sa pagpapatahimik ng lalawigan at para rito siya ay napakiusapang maglabas ng isang patalastas na nagbibigay ng ganap na pagpapatawad sa mga Katipunero na kusang sumuko sa Koronel. Ang pahayag na ito ay pinalaganap sa pamamagitan ng mga bandillos sa iba't ibang bayan. Kahit ang mga pari ay nagbasa ng sipi ng kautusan sa kanilang mga pulpito samantalang sila ay nagmimisa. Marami sa mga manghihimagsik ang tumugon sa utos ng Koronel at kusang isinuko ang kanilang sarili sa harap nito. Nguni't ito ay isa palang bitag. Hindi tinupad ng mga Kastila ang kanilang pangako. Yaong mga sumuko ay hindi pinakawalan kaagad at sa halip ay itinigil sa bahay ni Azarraga na ginawang garison. Doon, silay ay ginutom, pinahirapan nang labis at pinadanas ng iba't ibang kalupitang di-makatao (27). Pagkaraan, pinili ng nga Kastila ang labinsiyam (28) na lalaki at ipinahayag silang mga pinuno ng pag-aalsa. Ang mga ito ay itinapon sa isang bilangguan sa daang Amadeo (ngayon ay dang XIX Martires), at doon, sila ay lalo pang pinahirapan. Sa katahimikan ng gabi ng Marso 23, 1897, ang labinsiyam na ito ay pinagsama-sama sa isang selda sa loob ng bilangguan. Itinali ang kanilang mga kamay sa likod at ipinasok ang isang mahabang kawayan sa lahat ng mga kinawing na kamay, at pagkatapos, silay ay pinasandal sa pader ng selda. Sa madaling araw ng Marso 23, sila ay binaril hanggang sa mamatay. Kinaumagahan, ang labinsiyan na bangkay ay isinakay sa isang kariton at ipinarada sa buong bayan upang makita ng mga tao kung anong uri ng kamatayan ang ipintaw ng mga Kastila sa mga taong sumusuway sa kanilang paghahari. Kinahapunan, ang labinsiyam na mga bangkay ay sama-samang tinambak sa isang karaniwang libingan.
Kabilang sa "Labinsiyam na mga Martir ng Aklan" (29) na may mga gawain at kabayanihang ginugunita tuwing sumapit ang ika-23 ng Marso ng bawa't taon sa Kalibo, kung saang ang isang maringal na bantayog para sa kanila ang nakatayo - ay ang mga pangalan nina Candido Iban, Benito Iban at Gabino Yonsal - ang mga haligi ng "levantamiento de Lilo-an". Ang pag-aalsa sa Aklan na kung saang ang "levantamiento" ay isang bahagi, ay ang unang kilusnag mapanghimagsik na sumilakbo sa Basayas sa panahon ng Himagsikan ng 1896. Ang pag-aalsang ito ay nagpanigas at nagpasiklab sa iba pang mga pulutong sa Bisayas upang sisayin ang kolonyal na pamahalaan ng Kastila. Ang mga sumunod na pangyayari sa iba pang mga dkao ng Kabisayaan ay bahagi ng maluwalhating kasaysayan ng Himagsikan ng 1896.
Footnotes:
(1) Tunghayan ang kay E. Arsenio Manuel, A Dictionary of Philippine Biography (Lungsod ng Quezon: Lathalaan ng Filipinyana, 1955), pahina 227. Ayon kay Propesor Dominador I. Ilio ng Dalubhasaan ng Inhinyera ng Pamantasan ng Pilipinas, isang tubong Malinaw, siya ang nagbigay kay G. Manuel ng karamihan sa mga nilalaman ng talambuhay ni Candido Iban na nasa Dictionary. Ito ay noong 1936 pa, habang si G. Manuel ay nasa opisina ni Prop. Gabriel Bernardo, ang Tagapangalaga ng Aklatan ng Pamantasan sa mga araw na iyon.
(2) "Moni" ang palayaw na ibinigay kay Nemesio.
(3) Ayon sa pagkakatanda ni Gng. Pelagia Ibutnandi Yonsal (kinapanayam ng may-akda), na ipinanganak noong 1883, si Candido Iban ay higit na matangkad kaysa sa karaniwang Pilipino sa mga panahong iyon. Naaalala rin niyang ito ay may matipuong katawan at malagong bigote. Tunghayan din ang kay Demy P. Sonza, Visayan Fighters for Freedom v. I (Sta. Barbara, Iloilo: Agustin Sonza at mga Anak na Lalaki, 1962) pah. 1.
(4) Ayon kay Prop. D.I. Ilio, may mga ibang manunulat, tulad ng yumaong Dok. Artemio Nabor ng Madalag, Aklan, na nagsasabing si Castillo ay tubong Batangas. Sinasabi naman ni G.F. Zaide na siya ay nanggaling sa Mabilo, Kalibo, Ipinalalagay rin ni Prop. Ilio na sina Castillo at Iban ay magkasamang nagtrabaho bilang manlalayag sa Awstralya, at di bilang maninisid ng perlas, kagaya na sinasabi ni G.F. Zaide o mangangalakal ng perlas ayon kay D.P. Sonza.
(5) Sinasabi ni Sonza, op. cit., pah. 2, na sina Iban at Castillo ay naghandog ng P400 bilang pambayad sa palimbagan. Isinasaad naman ni G.F. Zaide sa "The Rise and Fall of the Katipunan Press", Sunday Tribune Magazine, (Nob. 9, 1930), pah. 5, na ang ibinigay nina Castillo at Iban ay P1,100. Idinaragdag pa niya na ang loteriya na kung saan nanalo ang magkaibigan ay sa Pilipinas ginanap at hindi sa Awstralya. Ito ay ipinapaliwanag ni Teodor Agoncillo sa History of the Filipino People, (Lungsod ng Quezon: Kumpanya ng Palimbagang R.P. Garcia, 1970), pah. 183 na ang kanilang pinanalunan sa isang loteriya sa Awstralya ay nagkakahalaga ng P1,000 at naghandog ng P400. Sinasabi naman ni J.P. Santos sa kanyang Buhay at mga Sinulat ni Emilio Jacinto, (Maynila: 19935), pah. 14, na kasama si Valerio Dalida, isa pang tubong Aklan, sa mga naghandong ng salapi bilang pambili ng palimbagan.
(6) J.P. Santos, op. cit., pah. 16
(7) Sonza, op. cit., pah. 3.
(8) Ayon kay Prop. D.I. Ilio na nagsasabing paulit-ulit niyang naririrnig ito sa mga talumpating binibigkas sa mga palatuntunang gumugunita sa "levantamiento de Lilo-an" sa Malinaw.
(9) Sonza, op. cit., pah. 3
(10) Ang Tinagong Dagat ay isang nakakubling bahagi ng baybayin na malapit sa bayan ng Batan at Altavas ng Aklan. Sinasabi sa isang alamat na sa mga madilim na kailaliman ng baybaying ito, ay amy isnag higanteng talaba o tulya na hindi pa nabibihag ninuman.
(11) Ayon kay G. Jose Inoturan, (Paaralan ng Pagkanars, Pamantasan ng Pilipinas) na tubong Lilo-an, sinabi ng mga nakakatanda sa kanya na ang bahay ay katapat ng liwasan ng Lilo-an. Ito ay itinayo mismo ni Candido Iban sa tulong ni Nemesio Yonsal, at siya ay nanirahan doon nang mag-isa pagka't siya ay binata pa. Gayunpaman, ayon kay Gng. Pelagia Yonsal, si Candido ay may isang anak na nagngangalang Regino (namtay noong bata pa) kay maria Yatar (na may palayaw ng Ibing Sige pagka't siya ay isang madaldal na babaing di na yata makatigil nang kasasalita).
(12) Ayon kay G. Jose I. Inoturan
(13) Ibid.
(14) Ayon kay Prop. D.I. Ilio. Sinasabi pa niya na si Banderado, habang nasa isang misyon bilang kuryer, ay hinarang ng mga guwardiya sibil sa tulong ng mga taga-poblasyon. Hinabol siya nanggang sa isang burol sa kinatatayuan ng bahay ng lola ni Prop. Ilio at doon, si Banderado ay nasukol at sinibat. Sa kasalukuyan, ang tawag sa pook na iyon ay Banderado.
View My Guestbook
Sign My Guestbook
Municipal Profile | Municipal Government | History | Photo Album | Community | Malinao Parish | Mayor's Corner
Where On Earth is Malinao?